Monday, August 25

Blag ng Buwan - Ako ay Pilipino

Ako ay... Pilipino. Sa pagkakaalam ko, ako ay Pilipino, ayon sa nakasulat sa katibayan ng aking kapanganakan. Pilipino ang aking mga magulang kaya ako ay purong Pilipino.

Ngunit ako nga ba ay isang Pilipino? Mahal ko ba ang bansa ko'ng sinilangan? Mahal ko ba ang aki'ng mga kababayan at ang produkto na kanilang ginawa? Ipinagmamalaki ko ba ang aking lahi?

HINDI.

Unang-una, ang ating lahi ay wala'ng sariling pangalan, wala'ng sariling kultura. Dahil sa ating anyo, hindi natin masasabi'ng tayo ay Asyano. Madalas na napagkakamalan tayo'ng mga Latino ngunit hindi naman ganun ang hitsura natin. Noong nagsimula na ang sibilisasyon, kung kailan ang mga bansang Griyego, Roma at Tsina ay mga mauunlad na mga bansa na, kung saan ang kanilang kultura ay matatag na, tayo ay hindi pa alam kung ano ang nangyari sa bansa natin.

Kung may kultura man tayo, ito ay ang kultura ng pagiging utak-talangka, pagkakawatak-watak, kawalan ng disiplina sa sarili, pagsuway sa mga batas, at pagiging huli sa napagkasundua'ng oras. Oo na. Tayo naman ay kilala sa ati'ng pagiging magalang na kahit mali ang mga nakatatanda ay sinusunod pa rin natin, sa ating pagkamaaliwalas sa pagtanggap ng mga panauhin sa punto'ng mangungutang na lamang para may maipakain sa ating bisita, ang ating pagkakabuklod bilang isang pamilya na kahit walang makain ay hindi aalis sa probinsiya at pumunta sa ibang lugar kung saan may naghihintay na trabaho, at higit sa lahat ang ating pagkamaka-Diyos na kahit wala nang ipambuhuhay ay anak pa rin nang anak dahil ang isang pirasong kondom ay isang kagamitan ni Satanas.

Panay ang pagsaway natin sa ibang mga bansa dahil sa kanilang pagmamata sa mga hindi nila kalahi. Mas mabuti na iyon dahil pinapakita lang nila ang kanilang pagiging makabayan samantalang tayo, mas binibigyan natin ng halaga ang mga dayuhan na parang sinasamba na natin sila at hindi binibigyan ng kahalagahan ang ating mga kababayan.

Sinikap kong tangkilikin ang ating mga sariling produkto ngunit hindi pa rin ganoon kagaling ang mga kalidad nito. Sinikap kong mahalin ang bansa ko ngunit hindi ko natikman ang pagmamahal na dapat kong matikman mula sa kanya. Ang kawalan ng magandang trabaho, ng magandang oportunidad upang magamit ko ang aking napag-aralan, ang kakulangan sa mga oportunidad para mga interes ng mga tao, ang kabulukan ng ating sistema at ng ating pamahalaan, ang kapangitan ng ating kapaligiran - ang mga ito ang nagtulak sa akin upang hindi ko maipagmamalaki ang aking pagka-Pilipino.

Sabihin man nila'ng ako ay isang Doña Victorina sa kasalukuyan, wala na silang magagawa. Oo na't lahi nina Lapulapu at Dagohoy ang nananalaytay sa mga ugat ko, oo na't Pilipino ang nakatatak sa noo ko, kung may pagkakataon man ako na baguhin ito, gagawin ko sapagkat ayoko nang maging Pilipino.

P.S.
Char lang ito.

Tuesday, August 5

Korina Sanchez

Last weekend, our conversation with my friends led to Korina and her bitchy attitude towards some people. I could remember once that her ex-boyfriend Noynoy commented that she should hire a driver who graduated from Harvard because she kept on firing her driver. Perhaps she's just tired of keeping on repeating things and dealing with incompetent people.

Then my friends told me, "In-ana baya ka. (You're like that.)"

For a few seconds, I was silent. They're right. I just don't have the patience to explain things over and over again.

Friday, August 1

Mad TV

What have advertisers, TV show writers and supposed "creative" staff been thinking these days? Could they been gunned down for Christ's sake?

  • Tide advertisement saying that one is greater than two. The word "better" or "more effective" is so different from "greater." It's wrong to say that one apple guava is greater than two native guavas. This concept just gives confusion to kids who are starting to learn Mathematics.

  • Knorr chicken cubes is "natural." WTF!

  • Umami as the fifth taste is something new to me. I've grown up thinking that it still is named "area of no clear taste." But learning that the development of this is helped with Ajinomoto, I have started doubting.

  • Is mayonnaise a real food? Duh. Are there some "fake" food anyway?

  • Edu Manzano's Coffeemate ad. Couldn't we have anything more chaotic and jologs than that? Obviously, he took the project to be more makamasa. I've heard his planning to run for senator come 2010.

  • Pinoy Idol is totally a disappointment - from the very poor production (where's the creativity of the "creative" team?") - lights, camera, stage - to the judges' comments, to the very cold and so-scripted host, to the results. What happened to the people with talents? I have a feeling that Gretchen is going to win this contest. With a Dad who could afford so many loads for his employees, being the first PI is very attainable. In contrary, the stylists have drowned the contenders with their over the top fashion make-over.

  • Movies and TV programs that are promoted not by the acting capabilities of the actors nor by the storyline and any other merits but because of either steaming hot scenes or just plain kissing scenes by the stars.

  • Again, Marian Rivera who doesn't know any other dance steps except the Marimar style.